Paano lilinisin ang browser cache
Ang browser cache ay nagtatabi ng maraming memorya at di napapanahong website data, na maaaring maging sanhi ng hindi o mabagal na paggana nito. Kailangan mong i-update ang impormasyon sa pamamagitan ng paglilinis ng cache.
Talaan ng mga nilalaman:
Tingnan natin ang sunud-sunod kung paano linisin ang cache sa iba't ibang mga browser:
Google Chrome
I-click ang tatlong tuldok sa kanang sulok sa itaas ng screen:
I-click ang History:
Sa lalabas na window, sa kaliwa, i-click ulit ang History:
Sa kanang menu, piliin ang Clear browsing data:
Isang bagong window ang magbubukas na may menu. Lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng Cache images and files, pagkatapos ay i-click ang Clear data:
Internet Explorer
I-click ang settings icon sa kanang sulok sa itaas ng screen:
I-click ang Safety:
Sa window na nasa kaliwa, i-click ang Delete browsing history:
Sa window na lalabas, lagyan ng tsek ang box sa tabi ng mga Temporary Internet files and website files, pagkatapos ay i-click ang Delete:
Opera
I-click ang tatlong linya na icon sa kanang sulok sa itaas ng screen:
Bumaba sa menu hanggang sa Clear browsing data:
I-click ang Clear browsing data:
Sa lalabas na window, lagyan ng tsek ang box sa tabi ng Cached images and files, pagkatapos ay i-click ang Clear data:
Mozilla Firefox
I-click ang tatlong linya na nasa kanang sulok na taas ng screen:
Piliin ang Options:
Sa kaliwang menu, i-click ang Privacy & Security:
Bumaba sa pahina at pumunta sa Cookies and Site Data:
I-click ang Clear Data:
Sa kahon na lalabas, i-tsek ang kahon na nasa tabi ng Cached Web Content, pagkatapos ay i-click ang Clear:
Safari
I-click ang settings icon sa kanang sulok sa itaas ng screen:
Piliin and Reset Safari…
Sa kahon na lalabas, piliin ang kahon na nasa tabi ng Remove all website data option, pagkatapos ay i-click ang Reset:
Yandex Browser
I-click ang tatlong linya sa kanang sulok sa itaas ng screen:
I-click ang History:
Sa kahon na nasa kaliwa, i-click muli ang History:
Pindutin ang Clear history sa kaliwang ibabang bahagi ng screen:
Sa kahon na lalabas, piliin ang kahon na katabi ng Files stored in cache, pagkatapos ay i-click ang Clear: