70% Higit na Naaabot – Paano Naging Mas Mainam ang Naantalang Pagpo-post Kaysa Regular na Pagpo-post?

70% Higit na Naaabot – Paano Naging Mas Mainam ang Naantalang Pagpo-post Kaysa Regular na Pagpo-post?

Ang pangunahing gawain ng isang negosyong social media ay ang manatiling nakaugnay sa madla sa pamamagitan ng pagpo-post ng kagamit-gamit na content. Posibleng sistematikong lumitaw sa feed ng isang tagasubaybay habang nagsusulat ka ng mga publikasyon, at posible ring mag-upload ng lahat ng post nang maaga. Ang mga kalamangan ng ikalawang opsyon ay tatalakayin sa artikulong ito.

Talaan ng mga nilalaman:

Bakit ka dapat regular na mag-post?

Ang algoritmo para sa pagdami ng naaabot sa mga social network ay isang tunay na sakit sa ulo para sa lahat. Maaari mong taasan ang bilang ng mga tagasubaybay gamit ang kinaugaliang pagpapatalastas, o maaari mo itong gawin, kailangan mong mag-post ng content nang palagian, nang sabay-sabay.

  • Pinatataas ng regular na pagpo-post ang saklaw nang 30-70%, depende sa dalas ng pag-post, ayon sa POSTOPLAN, isang serbisyong cross-posting.
  • Ang pagtaas ng mga sales conversion para sa mga negosyo ay hanggang 40%. 
  • Ang regular na pagpo-post ang susi sa pagkakaroon ng 74%  na higit na trapiko at mga tagasubaybay sa mga social media page.
  • Kinalkula ng POSTOPLAN na ang matitipid sa social media marketing sa regular na pagpo-post ay hanggang 90%.

Nireresolba ng pangsyonalidad ng naantalang pagpo-post ang mga isyu ng regular na pagpo-post.

Ano ang Naantalang Pagpo-post

Ang naantalang pagpo-post ay ang kakayahang maglathala ng content sa isang nakatakdang oras nang awtomatiko. Nangangahulugan itong ang mga publikasyon sa ilang araw o linggo ay naitatakda sa isang araw.  

Paano Ito I-Configure

May dalawang paraan upang gawin ito: sa pamamagitan ng mga built-in social networking tool o mga serbisyong cross-posting. 

Sa karamihang social network, gaya ng Facebook, Pinterest, at TikTok, maiiskedyul mo ang ilalathalang content gamit ang mga built-in tool. Ang gayong opsyon ay angkop sa maliit at mga micro business, na nasa 1-2 plataporma. 

Gayunpaman, walang gayong opsyon ang Instagram; kung saan ka matutulungan ng mga serbisyong cross-posting. Ang mga application na ito ay para sa paglalathala ng content sa ilang social network nang minsanan mula sa iisang interface. Tiyak itong akma para sa mga ahensya at mga freelance marketer dahil kailangan nilang pamahalaan ang dose-dosena o maging daan-daang account ng kliyente.

Bakit Ito Kailangan ng mga Negosyo at Ahensya

Ang maagang pagpo-post ay isang tool pang-negosyo na nakakatipid ng salapi, nagsisistema sa gawain, at nagpapadali ng kontrol sa kalidad, hindi gaya ng pagpo-post ng content sa isang planadong paraan. Maaaring makinabang ang mga negosyante, mga kinatawan ng mga ahensya, at makikinabang ang lahat ng espesyalista sa SMM mula sa tampok na ito, kaya narito ang ilan pang kalamangan ng naantalang pagpo-post:

  • Kung nakaiskedyul na ang lahat ng post, mas madaling hindi malimutang mag-post at hindi makaligtaan ang pinakamainam na oras ng pag-post ng content. Isa itong mahalagang kalamangan - sa Facebook at Instagram, ang pinakamataas na antas ng engagement ay sa gabi tuwing mga off hour.  

  • Ilalathala ang mga bagong post nang walang hinto sa katapusan ng linggo, ginagawang mas madali na makamit ang maximum na maaabot. Sa Facebook, Pinterest, at Reddit, bawat madla ay pinakaaktibo sa katapusan ng linggo.

  • Huwag kalimutan ang hinggil sa regularidad ng pagpo-post ng content. Sa karamihang social network, inirerekomendang mag-post ng 1-2 posts kada araw. Gayunpaman, pinapayuhan ka na ng Twitter na mag-post ng 3 post kada araw, kaya kailangan mong maghanda ng nasa 80 publikasyon sa isang buwan. At iyan ay para lang sa isang account.

 

  • Sa pangangailangang maglathala ng 14 hanggang 28 na post kada linggo, matinding pinatataas ng pag-iiskedyul ng mga publikasyon mo ang pagkaproduktibo mo. Tiyak na kagamit-gamit ito sa mga ahensya at mga freelance marketer na may mataas na bilang ng gawain. 
  • Tinutulungan ng naantalang pagpo-post ang mga madla mula sa ibang time zone – inaalis nito ang pangangailangang mag-log sa account mo sa oras ng pagtulog. 

Ano ang Gagawin sa Oras na Natipid Mo

Ang naantalang pagpo-post ay isang paraan upang pagsamahin lahat ng makinasyon ng content tungo sa isang gawain at matuon ng pansin sa ibang mga proseso. Narito ang dalawang ideya na pagtutuunan ng atensyon kapag na-fine-tune mo na ang makina mo ng paglalathala:

Paggawa sa komunidad at tugon. Pinakita ng isang pag-aaral sa merkado ng Estados Unidos na inaasahan ng 24% na tumugon ang tugon mula sa isang brand sa loob ng 30 minuto. Isa pang 42% ang hindi maghihintay nang higit sa isang oras ng sagot. Habang 57% ng mga unang beses na kumaugnay sa brand ang umaasa ng mabilis na sagot kapag oras na ng pagtulog. Nakatitipid ng oras ang naantalang pagpo-post para makapagpokus ang propesyunal sa pagtugon sa madla. 

Pagsubok sa Content. Kapag ang sukdulang gol ng pagpapanatili ng isang account ay ang benta, maaaring hindi sapat ang mga regular na post. Dito, dapat taglay ng isang istratehiyang SMM ang isang antas ng gawain upang subukin ang pinakaakmang content. Dahil hindi naaabala ng araw-araw na pagsulat ng mga post, masusubok mo ang mga reaksyon ng mga tagasubaybay sa mga uri ng content, rubrics, at mga istilo ng komunikasyon.

Mga Konklusyon

  • Akma ang naantalang pagpo-post para sa anumang negosyong regular na nagpo-post sa mga social networks at para sa mga ahensya at mga freelance marketer na gumawa para sa maraming account.
  • Pinatataas ng regular na pagpopost ng content ang sakop nang  30-70%, mga conversion nang 40%, at nakatitipid ng hanggang 90% ng badyet sa promosyon sa social media. 
  • Posible ang naantalang pagpo-post sa karamihang sikat na plataporma, ngunit kailangan mong mag-iskedyul ng mga post sa Instagram sa pamamagitan ng ikatlong partidong serbisyo. 
  • Tinutulungan ka ng ginhawa ng naantalang pagpo-post na unahin ang pagpaplano ng content sa halip na paglilibing sa sarili mo sa pagsusulat nito. Pinadadali nito ang buhay para sa mga propesyunal sa SMM at kanilang mga manager.